Online Library TheLib.net » Mga Komentaryo at mga Sermon sa Aklat ng Apocalipsis--ANG PANAHON BA NG ANTICRISTO, PAGMAMARTIR, RAPTURE AT ANG MILENYONG PAGHAHARI AY DARATING? (Ⅱ)
cover of the book Mga Komentaryo at mga Sermon sa Aklat ng Apocalipsis--ANG PANAHON BA NG ANTICRISTO, PAGMAMARTIR, RAPTURE AT ANG MILENYONG PAGHAHARI AY DARATING? (Ⅱ)

Ebook: Mga Komentaryo at mga Sermon sa Aklat ng Apocalipsis--ANG PANAHON BA NG ANTICRISTO, PAGMAMARTIR, RAPTURE AT ANG MILENYONG PAGHAHARI AY DARATING? (Ⅱ)

Author: Paul C. Jong

00
15.02.2024
0
0

Karamihan sa mga Kristiyano ngayon ang naniniwala sa teoriya ng "pre-tibulation rapture." Dahil sila'y naniniwala nitong maling doktrinang itinuturo sa kanila na sila'y kukuhanin papaitaas bago ang pagdating ng Matinding Kapighatian ng pitong taon, sila'y pinangungunahan ng walang-saysay na relihiyosong mga buhay babad na may kasiyahang-loob.
Nguni't ang rapture ng mga hinirang ay magaganap lamang matapos ang mga salot ng pitong trumpeta ay mangyari hanggang sa ikaanim na salot at lahat ay mabuhos-ito ay, ang rapture ay magaganap matapos ang paglitaw ng anticristo sa gitna ng daigdigang kaguluhan at ang mga hinirang na isinilang na muli ay papataying martir at kapag ang ikapitong trumpeta ay maihip. Sa panahong ito si Jesus ay bababa mula sa langit, at ang pagkabuhay na muli at rapture ng mga hinirang na isinilang na muli'y magaganap (1 Tesalonica 4:16-17).
Sa araw na ito, ang lahat sa mundong ito'y tatayo sa krus na daan ng kanyang walang-hanggang tadhana. Ang mga hinirang na isinilang na muli dahil sa pananalig sa "ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu" ay babangong-muli at masasama sa rapture, at sa gayo'y magiging mga tagapagmana sa Milenyong Paghahari at sa walang-hanggang Kaharian ng Langit, nguni't ang mga makasalanan na hindi napasama nitong unang pagkabuhay na muli ay mahaharap sa matinding kapahamakan ng pitong mangkok na ibubuhos ng Diyos at mabubulid sa walang-hanggang apoy ng impiyerno.
Samakatuwid, dapat kang lumayo sa lahat ng mga maling doktrina ng mga relihiyon at sa pita at nakalilitong kahalagahan nitong mundo, at pumasok sa tunay na Salita ng Diyos. Nawa at dalangin ko na sa pagbasa ng aking mga serye ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kayong lahat ay pagkalooban ng pagpapala ng paghuhugas ng lahat ng iyong mga kasalanan, at pagtanggap sa pangalawang pagbabalik ng ating Panginoon ng walang takot.

Download the book Mga Komentaryo at mga Sermon sa Aklat ng Apocalipsis--ANG PANAHON BA NG ANTICRISTO, PAGMAMARTIR, RAPTURE AT ANG MILENYONG PAGHAHARI AY DARATING? (Ⅱ) for free or read online
Read Download

Continue reading on any device:
QR code
Last viewed books
Related books
Comments (0)
reload, if the code cannot be seen